Chronicles of a Ward Nurse

CHRONICLES OF A WARD NURSE 🔥

Nung student ako, sabi ko noon sa sarili ko. Kapag ako naging RN na ayoko sa Ward, gusto ko special area kaagad; OR, ICU or ER. Yan yung mga dream areas ko. Kasi BORING ANG WARD. MagVVS ka lang dun, bigay ng gamot, tapos na. Yan rin tingin ng ilang nurse sa Ward. At doon ako nagkamali.

Pinakamabigat pala ang buhay sa ward. Hindi mo alam ang mangyayari sa loob ng mga oras ng duty mo. Hindi mo alam kung ano ang mangyayari sa buhay ng mga pasyenteng hawak mo. At isa ako sa mga taong, kinain ang mga salitang “AYOKO SA WARD”

Tamang desisyon pala na nagUmpisa ako as General Ward Nurse. Dami kong natutunan na hindi ko naexperience nung student ako, except sa General Skills. Natuto akong makipagcommunicate sa mga tao, makisama sa mga tutulong o magpapahirap sa iyong ibang department, makahalubilo sa co-nurse mo, na alam mong sa susunod sya ang mag-eendorse or irereceive mo.

TIME MANAGEMENT?
Kahit kasama na sa parte ng buhay ward nurse ung OT, okay lang naman, basta maipasa mo lang ng maayos ung endorsement mo sa incoming shift. Mga pagkakataong, sumabay yung bugso ng discharge sa admission. Tapos kahit patapos na shift mo, gusto mo na lang umiyak sa isang tabi, pero hindi mo magawa kasi BUSY ka. Yung isang oras na lang uuwi ka na, pero aadmitan ka pa, magtatransout pa ang ibang dept sa iyo, dun may admission, may IV Out. (Hindi ko alam kung nanadya or sadyang nagkakataon lang). Biglang may magtotoxic na pasyente, may maninigaw at biglang may nantotoxic na relative.

PATIENCE.
Hahamakin or sisigawan ka ng doktor na akala mo sila nagpapasweldo sa iyo. Sasabihan ka ng walang alam, tanga, walang kwenta. Minsan bonus pa, pati patient sasabihan ka nun. Pati relatives lakas mantoxic, google lang naman ang gamit. Minsan may patient/relatives na NURSE daw sila, totoxickin ka, at galing-galingan. Tapos tatanungin mo, be like :

“Nagpractice po ba kayo?”
“Hindi eh, kasi etc etc”

Kaya naman pala. Kasi kapag nagCLINICAL ang nurse ang kausap mo, alam nila ang hirap at bigat ng trabaho namin. Dahil sa mga iilang taong ito, natutunan mo imanage ang salitang, PATIENCE.

AS CHARGE NURSE.
Nagchacharge Nurse ako, kahit wala akong experience na ako mismo yung magtutulak ng ECART na mas mabigat pa sa akin? Hahaha, buti na lang wala akong tinatawag na “Kalawit Gift”. Tuturuan mo yung medication mong mas matanda pa sa iyo, at kapag may nangApi sa bedside mo, ilalaban mo siya (SARAP SA FEELING NUN, At lalo na nanalo ka sa ARGUEMENT c Other Department). Mabigat yung responsibility, charge ka na, bedside ka pa. May magagawa ka ba? Wala naman di ba? 😂

MY FELLOW NURSE.
Minsan sila yung magpapagaan or magpapabigat ng trabaho mo. Admitted sa ER, pero hindi panastartan ung antibiotics and other meds na to start. Sa OR na, maayos mong inendorse ung patient sa kanila, pagkabalik sa iyo, makapagENDORSE nalang. Sa co staff mo sa unit, na lakas mangSENIOR sa iyo, kahit parehas lang kayo ng sahod. SANA PO TULUNGAN PO TAYO, WAG NAMAN PO NATIN PAHIRAPAN ANG ISA’T – ISA. Magtulungan po tayo.

LEARNINGS.
Sarap maging general nurse, kasi ang dami mong natutunan. At the same time, kapag nagtatanong mga kapitbahay mo ng gamot or management, may maisasagot ka sa kanila. MapaMedicine, Surgery, OB or Pedia, may scope of practice ka. Kung ano ung Antibiotic na dapat Ipush or I-side drip. Ano yung precaution ng gamot na ito. Yung magpahook ka sa bedside mo ng Oxygen as Independent Nsg Intervention, without asking your senior. Lakasan yung loob sa bawat pasok mo sa kwarto ng pasyente. Nakakaproud lang yung mga moments na iyun.

Naiinggit ako sa mga friends / acquitance ko na sa SPECIAL AREA kaagad nag-umpisa. pero marami pa akong dapat matutunan. Proud akong maging Laking Ward.

– juanNurse

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s