How to Clean Wounds Properly.

How to Clean Wounds Properlyđź’™

â–¶Wash your hands first and foremost. Suriin maigi kung malinis ba ang intensyon niya sayo. Siguraduhing single pa siya, di yung single lang pag kaharap ka. O baka naman di pa siya nakamove on, rebound ka lang beh. Wag na wag mo kakalimutan yan upang maiwasan ang infection pati na rin cross-contamination. Di lang pala ikaw ang gusto niya, dalawa kayo sa buhay niya o baka tatlo pa. Langyang yan! …. Gumamit ka rin ng gloves, proteksiyon ba para kung masaktan ka di ganun kasakit diba?

â–¶Stop the bleeding. Apply gentle pressure and elevate the site. Tandaan gentle lang wag masyadong mahigpit, at saktong elevate lang wag masyado mataas dahil baka mafall ka agad wala naman pala siya balak saluhin ka o pwede rin maiwan ka sa ere ng nag-iisa wala pala siya balak sunduin ka. Wala siyang eroplano, tanga!

â–¶Assess the wound. Tignan mo kung mababaw lang ba o malalim na. Parang nararamdaman niya sayo alamin mo muna kung mahal kaba talaga niya o pinapakilig ka lang pala. Aray ko beh! Walang kayo! Friends lang kayo!

â–¶Clean the wound, use clear water to rinse it then clean around the wound with soap and washcloth. Oo, clear water lang wala ng marami pang kaechosan. The most important things are free like tubig. Di yung mahal ka lang dahil may kailangan siya sayo.

â–¶Apply an antibiotic cream/ointment to help keep the surface moist. Panatilihin masaya at masagana ang relasyon, wag hayaang matuyo, mawalan ng gana sayo. Pero bakit ganun binigay mo na lahat kulang pa rin, pinagpalit kapa rin.

â–¶Cover with dressing. Bantayan mo, maraming malalandi sa paligid. Lecheng flan na yan, makakita lang ng mas may itsura at sexy di na mapakali at naglalaway pa na parang kinagat ng ulol na aso. Daig nga naman ng malandi ang maganda/gwapo.
Pero may sugat na di na kelangan takpan upang mas maghilom. Hayaan mo lang sila, kung mahal ka di yan gagawa ikasasama ng loob mo. Piste lang talaga libido na yan e, ang hyper minsan. Di makuntento gusto pa ng ibat ibang PUTAhe.
At kung di pa siya nakamove on kay ex wag kang maging panakip butas lang. Tama na, quota kana! Let him/her go. Time will heal all the wounds. Pero tandaan niya na hindi lahat ng oras ay kanya, babalikan ka lang kung kelan naghilom na rin pagmamahal mo sakanya. Isa na siyang malaking WHO U.

â–¶Dispose all soiled materials and wash your hands. Tama na! Wag mong hayaang gamitin ka lang niya ng paulit ulit. Tama na! Bibelugin ka lang niyan, Bibeyakin ang durog na durog mo ng puso tapos Bibetawan kana lang agad kung kelan asang asa ka na at hulog na hulog kana sa patibong. Shemay naman oh! Mga bibe sila!

Bakit ba kasi ang sakit magkasugat?
Makakapaglinis ka paba ng sugat ng patient mo kung ipinapaalala nito ang sugat ng iyong puso?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s