“Ikaw pa rin, kahit ang sakit na” 💙

“Ikaw pa rin, kahit ang sakit na” 💙
By: RN Inog

Hindi malaman ang sagot ng isip gayun din ng puso ko ang paulit-ulit ko na tanong sakanya. Na bakit hanggang ngayon ikaw pa rin? Bakit kahit ang dami dami mo ng nagawa sa akin sayo parin umiikot ang mundo at ang nilalaman ng puso ko?

Tandang tanda ko pa noon, nagsimula sa text clan hanggang sa nakilala kita dahilan nung ka clan mate mo ay kaibigan ko rin. Nagkatextsan tayo hanggang sa nagtawagan, nagchat lahat lahat. Una tayong naging mag Bestfriend hanggang sa hindi ko na namamalayan na kusa ng nahuhulog ang puso ko sayo, nagtapat ako ng feelings ko at nung pinagtapat ko sayo , yun yung tipo na parehas tayo ng nararamdaman sa isa’t-isa. Lumalim at tumatag ang ating relasyon, nagkasundo at mas lalo pang humaba hanggang sa umabot na tayo ng 3 years.
Halos hindi tayo nagkikita sa kadahilanan na nag-aaral ako at kilangan pa ng 3 taon para makagraduate at matupad ko ang mga pangarap ko na mabigyan ka ng magandang buhay.

#2

September 2010
Nag umpisa kang mag-aral sa kolehiyo, at sobrang masaya ako para sayo. Kahit nasa skwelahan ka at nasa hospital ako (ojt) ay nagtetextsan tayo at kung wala kang pasok at ako meron naman tinatawagan kita kahit hindi tayo nakakapag usap basta marinig mo lang ako ay masaya kana kahit kausap ko ay ang mga tao sa hospital sabi mo makikinig ka lang sa mga usapan namin.
Naging busy ako pero hindi ko hinahayaan na mawalan ako ng oras para sayo. Sa twing sasapit ang monthsary natin hindi ko pinapalagpas ang mga buwan, years para lang masurpresa ka at mapaisip sayo na ako at ako parin yung lalaking nakilala mo noong umpisa palang at kailanman hindi yun magbabago lalo na ang pagmamahal ko sayo.

February 2011
May party yung classmate mo, 18th debut nya nagpaalam ka sa akin kung pwede kang sumama , sagot ko ” Opo mahal ko, pwede basta mag iingat ka at kung iinom ka wag magpasobra’ at ang sagot mo “Opo mahal, promise. Iloveyou’

#3

Nagtext ka pagdating mo sa party, at ang sinabi ko ” Sige mahal enjoyin mo lang yan mamaya ka na po magtext para hindi isipin ng mga kasama mo na nagtetext ka lang dyan sa party 🙂 ‘ at hindi kana nagreply.
Around mga 10pm wala ka pa din text hinayaan ko lang baka nga naman nag eenjoy kapa at lalo na kasama mo naman ang pinsan mo.

@11pm
Wala pa din text galing sayo, tinext na kita ng ” Mahal mag iingat ka pag pauwi ha magtext ka nalang pag nasa bahay kana, I love you ‘.
Pero hindi ka pa rin nagtext. Hanggang sa nakatulog ako at sumapit na ang umaga ni isang text wala akong matanggap galing syo, sobrang nag-aalala na ako at ngpapanic na baka kung ano na nangyari sayo.

@10am
Dun ka palang nagtext at ang sabi mo “Mahal sorry sorry nasira yung phone ko natapunan ng wine na iniinom kagabi e walang load ang mga kasama ko kaya di na ko nakapagtext at ng nakauwi ako tulog na mga tao sa bahay kaya di na din ako nakipagtext kila ate. Nagreply ako “okay lang mahal, sobrang nag-aala

#4

ako sayo akala ko kung napano kana.

March 2011
Nagtext ang bestfriend mo sa akin at ang sinabi nya “Uy may sasabihin ako sobra na akong nakokonsensya’ nagreply ako “Ha? Ano yun ano ang ibig mong sabihin?’ Nagreply sya “Yung gf mo kase na bestfriend ko, kumalat na may nangyari sakanila ni Ivan na kaklasi din namin eh kasi may anak at asawa na yun’
Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa pero kinuha ko muna at pinakinggan ang paliwanag mo at pinagtapat kita at ang sabi mo
“Patawarin mo ako, di ko alam ang mga nangyari. Mahal na mahal kita huwag mo akong iiwan ‘
Naisip ko na kung gaano kita nirerespeto at ayaw kitang madapuan ng kahit ano ganun nalang kadali ang pagtataksil na ginawa mo sa akin pero gayunpaman tinggap kita at pinatawad. At pagkatapos noon naging masaya tayo at nanumbalik ang tiwala ko sayo

#5

January 2013
Nag stop kana sa study mo dahil sa financial problem at naging taong bahay ka muna. At ako naman nag aaral at ojt sa hospital. Bigla kang nanlamig sa akin, pag may sinasabi ako di ka nakikinig , kapag tumatawag ako lagi mong hinohold at ang dahilan mo na napipindot mo lang at minsan biglang naka mute ang call ko sayo hindi na ako nag isip pa ng kung anu-ano mahal kita eh at tiwala ako sayo.
Then isang araw, tinawagan kita at nasagot mo at hindi moko kinakausap pero may kausap kang iba at nalaman kong may ka skype ka. Mag stalk ako sa fb account mo at dun na ako kinutuban na may comment ng comment at like sa mga status at mga photos mo. Tinanong kita, sabi mo wala kang nakakausap at wala kang iba. Nanahimik ako kasi nga mahal kita.
Lumipas ang mga araw patuloy ang panlalamig mo sa akin at sa tuwing nag a-Iloveyou ako sinisigawan moko, sa tuwing pabiro ko sinasabi na siguro may kausap kang iba no, tapos minumura mo na ako sa inis mo. Dumating ang araw na nalaman ko na mismo na may nanliligaw sayo na nasa ibang bansa at yun pala yung palagi mong nakakaskype.

#6
Sobrang sakit, gusto ko magpakamatay noong oras na yon pero parang may pumipigil sa akin.
Kinagabihan…
Nagtext ako, sabi ko sayo na sana ako nalang yung mahal mo at ako lang ang nag iisang mahal mo. Sinabi mo sakin “Pwede ba!! Please lang hayaan mo na akong maging masaya, mahal ko sya hindi ko sya kayang iwan at di ko sya kayang saktan!!!!’
Sunagot ako “Buti pa sya hindi mo kayang gawin sakanya yan, pero sa akin napakadali mong nagawa. Please ako nalang ang piliin mo nagmamakaawa ako’ Sabi mo “Pasensya na pero sya ang pinipili ko mahal ko sya, kaya utang na loob hayaan mo na ako’ Humagulgol ako sa sakit at kulang nalang mawasak ang puso ko at sinabi ko sayo “Please kahit dalawa kami at mas mahal mo ya tatanggapin ko wag mo lang akong iwan T_T ‘ Pero mas pinili mo sya at ang huling sinabi ko sayo “Kung dyan ka magiging masaya, kahit ikakamatay at ikakasakit ng puso ko ibibigay ko sayo ang kalayaan na gusto mo’ Hindi kana nagreply. Sa araw araw na lumilipas lalong lumalala ang sakit na ginawa mo sa akin pero kahit ganun pa man lahat ng sakit idinaan ko sa puspusan na pag aaral ko para makapgtapos ng kolehiyo.

#7

Lumipas ang isang taon at nakapagtapos na ako.
June 2015
Bigla kang nagparamdam, inadd mo ako sa facebook at nagchat ka sa akin kinamusta mo ako kung ano na balita sa akin. Nagreply ako sa lahat ng mga chat mo sa akin hanggang sa kinuha mo ang number ko at panay panay nanamn tayong nag-uusap. Galit na galit ang mga kaibigan ko dahil ako na raw ang pinakatanga na nakilala nila na walang kadala-dala sa nagawa mo sa akin.
Naging okay ulit tayo,nagbalikan at kinalimutan ko lahat ng mga sakit na naidulot mo. Wala eh mahal kita, tanga na kung tanga, sayo ako sasaya eh paki nila.
Nang dumating ang araw na nagwowork na ako , sinusuportahan din kita sa mga pangangailangan mo na kahit hindi ka humingi kusa akong nagbibigay sayo at walang hinihiling na kahit anumang kapalit. At ikaw nasa bahay ka lang dahil nag aantay ka ng tawag sa mga inapplyan mong trabaho.
Nauso ang clash of clan o tinatawag na COC in short. Gumawa ka ng account mo, sumali sa clan, hinayaan kita kase kesa sa mainip ka sa bahay
nyo.
Lumipas ang mga araw at dumating nanaman ang kinakatakutan ko.

#8

Ginawa mo nanaman ang makipagchat sa taong nakilala mo lang sa COC clanmate mo. Alam ko na eh dahil nanumbalik nanaman ang pagiging cold mo sa akin. Nakita ko na nagpost ang kaibigan mo, wala akong kaalam-alam na pinupuntahan ka pala nya habang ako pagod na pagod sa halos na 18hours na duty sa hospital.
Gabi-gabi akong umiiyak, nagdarasal at pilit na nilalabanan nanaman ang sakit na naramdaman ko noon. Nakipaghiwalay ka kase palagi kitang nasusumbatan dahil sa mga nagawa mo. Pinili mo nanaman ang taong sa COC mo lang nakilala.
Blinock mo ko sa facebook, tapos makailang linggo inunblock mo ako. Patuloy kitang ginugulo sa text hanggang sa naiirita kana. Sinabi ko sayo sa huling pagkakataon “Hayaan mo wala ng manggugulo sayo, at mababawasan na ang taong nagmamahal sayo’
Lumipas ang mga araw pilit ko parin kinakaya kahit sa totoo napakahirap tanggapin na wala ka nanaman sa buhay ko. Na kahit ano atang gawin ko wala eh tanga ako pagdating sayo.

#9

December 2015
Nagchat ka sa akin at ang sinabi mo buntis ka at ayaw panagutan ng ipinalit mo sa akin. Nabigla ako, nasaktan. Yung akala ko wala ng sakit at naging normal na ang buhay ko lalo pa’t hindi na kita gaanong naiisip. Pero nagparamdam ka ulit ang ang sinabi mo “Buntis ako ayaw nya panagutan, nagsisisi ako sa mga nagawa ko at kung pwede lang ibalik ang lhat ng pagkakamaling nagawa ko, narealize ko na mahal na mahal kita patawarin mo ako, bumalik kana sa akin magbabago na ako pangako ‘
At ang sinabi ko sayo “Pagod na pagod na akong intindihan ka, patawarin ka at mahalin ka. Ilang beses pa ba? Ilang beses mo pang papatayin ang puso ko? Wala na yung lalaking minahal mo at minahal ka ng sobra, pinatay mo sya at pinatigas ang puso nya, sana lang panindigan mo ang mga nagawa nyo. Pasensya na pero kahit sabihin mo pa na mahal kita, utak at ang puso ko ay sawang-sawa na. Sorry’
Umiiyak ka, nagmamakaawa pero nung araw na yun dun ko nasabi na kaya ko na. Kaya ko ng tiisin ka at pairalin ang isip ko.

#10

Ngayong malapit ka ng manganak, sana maging masaya ka sa mga bagay na ginagalawan mo ngayon.
Inaamin ko na oo mahal na mahal pa rin kita ngunit ayaw ko sabihin sayo at iparamdam ulit sayo. Gusto ko na yung sarili ko muna ang uunahin at mamahalin ko. Pero bakit nga hanggang ngayon napakasakit pa rin tanggapin na ang taong kasama mo nangarap noon wala na sa mga kamay mo ngayon. Napakasakit isipin na hindi ko sya maipaglaban lalo na sa sitwasyon nya. Kung meron man akong hinihiling sa Panginoon, ito ay hindi para sa akin, kundi para sa babaeng minahal ko ng sobra na sana maging masaya sya at matikman nya ang magandang buhay kasama ng pamilya at magiging anak nya.
Hindi ko maipapangakong hindi na ako magmamahal pa ng iba, sa ngayon hindi pa bukas ang puso ko upang magmahal ulit at kung pahihintulutan ng may Kapal at may ibibigay syang karapat dapat para sa akin dun ko masasabi na yun at yun na ang huli kong mamahalin.

Kaya sa mga nasaktan na katulad ko, huwag po tayong gumanti o ibalik ang ginawa ng mga taong minahal natin at nanakit sa atin. Wala naman masamang magmahal, mas masama ang gumanti at magpakasama dahil lang sa nasaktan ka. IpagpapasaDiyos ko nalang kung anuman ang mga sakit na natirira dito sa puso ko at sana dalhin na niya lahat ng mga pagsubok na hinaharap ko at naniniwala ako na mayroon syang dahilan sa mga nangyayari na ito sa akin.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s